
Ngayong gabi sa Mulawin VS Ravena, ililigtas ni Alwina ang kanyang anak na si Almiro sa mga Ravena. Magagawa nilang makatakas kay Siklab ngunit kahit saan sila magtungo ay matutunton pa rin sila nito.
Upang hindi makita ng mga Ravena si Almiro, puputulin ni Alwina ang kanyang ugatpak. Kaya lamang, sa oras na tanggalin ito ay mawawala ang alaala ni Almiro. Tuluyan na ba niyang makakalimutan ang kanyang pagiging Mulawin?
Abangan 'yan mamayang gabi sa Mulawin VS Ravena pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.