
Sumabak ang Kapuso singer na si Rachelle Ann Go sa "'Tong Kantang 'To" challenge ng Tonight with Arnold Clavio.
Sa naturang segment, nagbigay ng tribute song si Rachelle sa mga personalidad na ipinakita ni Igan.
Kabilang riyan ang kanyang mga kaibigang sina Mark Bautista at Aicelle Santos, at inang si Russe Go.
Pinakaba naman ni Igan si Rachelle matapos biruing mag-dedicate ng kanta sa kanyang ex-boyfriend.
Ang tinutukoy pala ng broadcaster ay walang iba kundi ang dating kasintahan ni Rachelle na ngayo'y asawa na niya na si Martin Spies.
Ano kaya ang inawit ng singer para sa kanyang partner? Alamin dito: