
Sa dami ng videos na mapapanood sa TikTok account ng Sparkle artist na si Rain Matienzo, isa sa patok ngayon sa netizens ay ang kanyang funny reaction habang nasa likod ng Kapuso journalist na si Atom Araullo.
Kamakailan lang, in-upload ni Rain ang isang video kung saan mapapanood siyang nagli-lip sync habang kinikilig sa kaguwapuhan ni Atom. Magkasama ang dalawa para sa GMA Masterclass Series in Vigan.
Sa kasalukuyan, mayroong 2.2 million views, mahigit 340, 000 likes, at mahigit 2,800 comments na ang video ng Kapuso star.
Watch Rain Matienzo's craziest and naughty moves when she saw Atom Araullo here:
@rainmatienzo playing it cool 😎
♬ Baby - Spe3d_up_songs
Ilang netizens naman ang hindi napigilang mainggit kay Rain dahil nakatabi nito ang isa sa TV personalities na labis hinahangaan ng maraming manonood.
Si Rain Matienzo ay kasalukuyang napapanood sa GMA Afternoon Prime series na Artikulo 247.
Ilan din sa mga patok sa viewers ni Rain ay ang kanyang 'trophy wife' parodies na may libo-libong views sa naturang video-sharing app.
Samantala, tingnan ang cutest photos ni Rain Matienzo sa gallery na ito: