
Matindi ang pagdadalamhati ng actor/singer/director na si Randy Santiago ng makapanayam ng GMA News sa burol ng kaniyang anak na si Ryan Leonardo Coronel-Santiago.
Tatlong taon na mula noong na-diagnose si Ryan ng isang rare form ng brain disease.
Ang dating gym buff na anak ni Randy ay namayat at naging bed-ridden. Nitong Linggo, August 13 sumakabilang-buhay sa edad na 24 years-old si Ryan
LOOK: The beautiful life of Randy Santiago's son, Ryan Leonardo
Sa panayam ni Cata Tibayan kay Randy, ikinuwento nito ang naging pagsubok na kinaharap niya para ipaglaban ang buhay ng kaniyang anak.
Aniya, “Hindi ako magsasawang ipaglaban ka, kasi nahihiya rin kasi siya sabi nga niya ‘Papa ang laki-laki na nang ginagastos mo.’ Sabi ko huwag mo intindihin ‘yung gastos ko, pi-pray tayo sa Panginoon na magkaroon ako ng trabaho para maipaglaban kita.”
Aminado ang dating noontime host na hindi pa siya handa na ilibing ang pinakamamahal niyang anak at itinuturing niya itong pinakamasakit na yugto ng kaniyang buhay.
Saad niya, “Kahit iprepare mo nga masakit sa iyo na para iprepare ‘yung sarili mo, kahit ‘yung columbarium na paglalagyan niya. Ayoko naman maghanap di ba, dahil sabi ko ilalagay ko munang kasama ni papa 'tsaka ni mama. Pero for me na maghahanap ako ng paglalagyan niya, hindi ko kaya.”
Video from GMA News