What's Hot

WATCH: Rayver Cruz at Janine Gutierrez, ano ang real relationship status?

By Cherry Sun
Published October 7, 2018 3:44 PM PHT
Updated October 7, 2018 5:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Suansing: P10-billion budget hike for House for members’ personnel, office needs
Family seeks justice after child killed in Dagupan explosion
P-pop boy group VXON announces first concert

Article Inside Page


Showbiz News



Na-hot seat si Rayver Cruz nang mag-guest ang bagong Kapuso star sa 'Tonight With Arnold Clavio' nitong Miyerkules, October 3.

Na-hot seat si Rayver Cruz nang mag-guest ang bagong Kapuso star sa Tonight With Arnold Clavio nitong Miyerkules, October 3. Hindi kasi naiwasang usisain ni Igan Arnold Clavio kung ano nga ba ang tunay na relationship status nina Rayver at Janine Gutierrez.

Kasama ni Rayver ang kanyang kuya na si Rodjun Cruz nang sila ay lumabas sa programa ni Igan. Unang kinumusta si Rodjun tungkol sa proposal niya sa longtime girlfriend niyang si Dianne Medina. Kasunod nito ay ang pag-usisa ni Igan tungkol sa love life ni Rayver.

“Best man,” ang pilyo at natatawang sagot nito nang tanungin siya ni Arnold tungkol sa kanyang status sa Facebook.

Nagpakuwento rin ang host tungkol sa isang litrato ni Janine na kuha ni Rayver. Anang aktor, sinundan daw niya sa HongKong si Janine at ang pamilya nito para sorpresahin.

“Thankful ako na nakilala ko siya… nung 2017. And kita niyo naman na hindi ko maiwasan na kunan kasi kahit likod pa lang, napakaganda na.”

Panoorin:

Video from GMA Public Affairs