
Kuwento ng dalawang amang umibig sa isa't isa ang gagampanan nina Paolo Contis at Kristoffer Martin sa Magpakailanman ngayong Sabado, January 19.
IN PHOTOS: Paolo Contis at Kristoffer Martin sa 'Magpakailanman'
Sa ulat ni Cata Tibayan sa 24 Oras, ikinuwento ng dalawang aktor ang naging karanasan nila nang kunan ang ilang intimate scenes.
"Mayroon nga kaming [intimate scene], sabi ko 'Direk, huwag mong i-cut ha! 'Didire-diretsuhin ko 'to! (laughs)' I always want na fun 'yung set. Siyempre kapag seryoso ang eksena, seryoso din," ani Paolo.
"Awkward sakin kapag sobrang lapit na ng mukha ni Paolo sakin, tapos hahawakan ko 'yung mukha niya. Mabalbas si Paolo eh, hindi ako sanay, magaspang," natatawa namang sagot ni Kristoffer.
Dagdag pa niya, "Kinakabahan ako kasi Paolo Contis 'to, idol ko 'to nung bata ako. Tinatawanan ko lang 'to, sobrang nakakatawa 'to as a person. Tapos nung drama scenes, ang galing."
Panoorin ang buong report dito: