
Sa isang espesyal na episode na pinamagatang "#NeverGiveUp" ng Magpakailanman, nakitang muli ng mga manonood ang tambalang Ken Chan at Rita Daniela.
Noong Sabado, ibinahagi ng mga aktor ng My Special Tatay na 'di lang sa serye sila nakaranas ng paghihirap kung 'di pati na rin sa kani-kanilang sariling buhay bago man pumatok ang love team na BobRey.
IN PHOTOS: Ang kuwento nina Ken Chan at Rita Daniela sa 'Magpakailanman'
Sa isang eksklusibong interview ni Cata Tibayan, ikinuwento ni Ken Chan, na naisipan na niya noon na lisanin ang pag-aartista at maging isang flight attendant.
“Decided na ko, may airline na at lahat!
But, because may mga tao na nakapaligid sa akin na tumulong tulad ni Kuya Germs, ng mga magulang ko, and of course ng GMA-7, hindi nila ako pinabayaan,” dagdag niya.
Si Rita naman, sunud-sunod raw ang paghihirap na dinanas pagkatapos pumanaw ang kanyang ama. Isa na rito ang problemang pinansyal.
“Sumasakay ako sa UV, nagko-commute ako. Yun talaga! Yun 'yung mura at kasya sa baon ko eh.”
Panoorin ang eksklusibong interview sa 24 Oras:
READ: Alden Richards, Ken Chan, Julie Ann San Jose big winners at 1st Inside Showbiz Awards