
For 1000-pesos, natutong mag-bake ang Thousanaire host na si Reese Tuazon sa Lifestyle Tart and Pie Baking workshop ng Academy Asia, na matatagpuan sa Marikina.
Ani ni Reese, "Marunong na ako magluto, pero baking hindi pa. So, why not learn 'di ba? Para productive tayo sa buhay, hindi tayo ma-bored."
Kasama sa 1000-pesos ang hairnet, recipes, ingredients, at pwede mo pa iuwi ang iyong bake goods. Sa workshop ay natuto si Reese mag-bake ng Quiche Lorraine or bacon and cheese tart, banoffee pie, at fruit tart.
Throughout the workshop ay marami ring hugot si Reese. Tulad ng 'wag pilitin ang mga bagay-bagay. Ika nga niya, "Kaya ako nagba-baking, para makapag-move on."
Natuto naman kaya at nakapag-move on si Reese?
Panoorin sa latest episode ng Thousanaire: