
Muling maghaharap sina Regine Velasquez-Alcasid at ang kanyang original on-stage partner na si Janno Gibbs ngayong Sabado, October 21.
Mapupuno ng chikahan, throwback at bukingan ang Sabado ng umaga sa Sarap Diva dahil sa pagbisita ng King of Soul. Siyempre, hindi matatapos ang reunion na ito nang walang duet mula sa dalawang OPM icons!
Samahan si Regine sa kanyang masarap na kainan, kantahan at kuwentuhan sa Sarap Diva.