
Ilang mga viral videos ang muling napag-usapan sa Sarap Diva nitong Sabado (July 29). Isa sa kanilang naging topic ay ang navigation app na Waze na nag-trend dahil sa iba't ibang boses na ginagawa ng mga netizens.
Dahil usong-uso nga ito ay hindi nagpahuli si Regine Velasquez-Alcasid at kanyang binida ang Songbird voice sa pagbibigay ng direksyon. Kasama rin niyang nagboses navigation app ang kanyang mga bisita na sina Super Tekla, Kim Idol at Jerald Napoles.
Panoorin ang makapigil-hiningang boses ni Regine sa Waze.