
Sa loob ng mahigit tatlong dekada ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa mundo ng show business, iba’t ibang gupit at hairstyle na raw ang kanyang nasubukan sa kanyang buhok.
Mapa-pixie cut man, bob cut, chin-length cut, medium cut, long straight hair o big waves, angat ang ganda ng actress-singer!
“[Kung] mahaba, puputulin ko. ‘Pag maikli, lalagyan ko ng extensions. I’m happy that I have a full set of hair that I think we all got from our father,” kwento ng anak ni Mang Gerry Velasquez sa Unang Hirit.
Witty ang sagot ni Ate Reg kung paano pangalagaan ang inyong crowning glory, “Maligo ka lang!”
Bukod kay Asia’s Songbird, gupit at iba’t ibang kulay naman ang trip ni Kapuso host-vlogger Joyce Ching.