
Mahabang panahon na mula nang huling magsama sa iisang proyekto ang dating magkasintahan na sina Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid at Ariel Rivera.
Muli nilang binuhay ang spark ng kanilang tambalan sa Sunday PinaSaya noong Linggo para i-promote ang kanilang reunion project na Mulawin VS Ravena, ang higanteng telefantasya na inilunsad ng GMA ngayong taon.
May naalala ba si Asia’s Songbird sa titigan nila ng kanyang dating ka-love team? “Ang luma. It’s very uncomfortable to do that, but it’s good if you know the person kasi alam mo na you’re just working together, [and] I’ve known him for a long time,” bungad niya kina DJ Bae Alden Richards at Papa Pete Jerald Napoles.
Magbabalik ang kanilang tambalan sa muling paglipad ng iconic telefantasya, “We’ve worked together before, and I’m happy to be working with him again.” Mai-in love ang karakter ni Ariel na si Panabon sa reyna ng kalikasan na si Sandawa, ang karakter na gagampanan ng batikang aktres.
Bahagi ni Ariel, “I enjoy working with her because she’s professional, she knows her lines, she’s always on time so ang dali katrabaho ‘yung isang tao na artist na ganun eh. Like what she said, we’re very comfortable with each other.”
Sa kanilang guesting, nagbigay din ng payo sina Regine at Ariel tungkol sa pagiging friend sa ex-lover.