
Sa latest episode ng 'Sarap Diva' sumabak sa game na 'Musika Lokahan' ang mga guests nito na sina Lani Misalucha (http://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/sarap_diva/42915/watch-the-many-voices-of-lani-misalucha/story) at Andre Paras. Pati na rin resident Inday ng 'Sarap Diva' na si Terry Gian at semi-regular ng show na sina Tetay at Tammy Brown.
Siyempre hindi papa-awat si Regine sa challenge na ito. Kayanin niya kaya na kantahin ang nursery rhyme na 'I'm a Little Teapot' habang ginagaya ang boses ni Moira dela Torre? Silipin 'yan sa video na ito.