What's Hot

WATCH: Regine Velasquez, naninibagong mag-concert nang wala ang amang si Mang Gerry

By Marah Ruiz
Published October 14, 2017 3:15 PM PHT
Updated October 14, 2017 7:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News



Panoorin ang buong interview ni Igan sa Asia's Songbird kung saan ibinahagi rin niya ang tungkol sa kanilang "modern family."

Tuloy-tuloy ang paghahanda ni Asia's Songbird Regine Velasquez para sa kanyang 30th anniversary concert na pinamagatang R 3.0. Itatanghal ito ngayong Oktubre 21 at 22 sa Mall of Asia Arena.

Ito ang unang major concert ni Regine matapos pumanaw ang kanyang amang si Gerardo Velasquez na mas kilala bilang Mang Gerry. 

"You know, I don't remember doing a concert without him. Kahit maliliit na shows, from the amateur singing contests to doing big shows and big concerts, he was always there," kuwento ni Regine. 

Aminado si Regine na naninibago siya na mag-concert nang wala ang kanyang ama. 

"I think I would feel kinda weird—itong solo concert na wala siya. It would really feel weird without him but I know that he's watching me in heaven so he's got the best seat," pahayag niya. 

Panoorin ang interview ni Regine sa Tonight With Arnold Clavio kung saan napagusapan nila ang tungkol sa kanyang "modern family," ang relasyon nila ni Ogie, pati na ang pagpapalaki sa kanilang anak na si Nate. 

Photos by: reginevalcasid(IG)