What's Hot

WATCH: Reina Hispanoamericana Teresita Ssen Marquez, inilahad ang kanyang mga plano pagkatapos manalo sa pageant

By Maine Aquino
Published November 14, 2017 11:22 AM PHT
Updated November 14, 2017 12:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA Season 101 volleyball finals schedule
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival
How the latest smartphones are embracing the beauty of the unfiltered journey

Article Inside Page


Showbiz News



Ano nga ba ang mga magiging pagbabago ngayong nakoronahan na ang aktres bilang Reina Hispanoamericana?

Ano nga ba ang mga magiging pagbabago ngayong nakoronahan na bilang Reina Hispanoamericana na si Teresita Ssen "Winwyn" Marquez?

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago sa Unang Balita, mabilis ang mga pangyayari sa buhay ni Winwyn mula nang siya ay manalo sa pageant. Aniya, "Parang ang bilis lahat. I'm just so thankful na lahat ng pagod, lahat ng sakripisyo, may purpose."

Dagdag ni Winwyn, "Sa mga unang days, wala akong kausap. Hindi ko alam gagawin ko. At least I know I had family to support me there."

Bilang first Asian title-holder of Reina Hispanoamericana plano ni Winwyn na ibahagi ang kaalaman sa Hispanic culture.

"To inform people about it, our history. It's a heritage. Good or bad, they still need to know about it at the same time to promote my advocacy which is education to those people who want to really learn."

Inilahad naman ni Winwyn na ang kanyang pagiging totoo ang nakatulong sa kanyang pagkakapanalo. Kuwento niya, "I just wanted to be honest sabi ko. Ayoko mag-pretend na kaya kong matuto agad. Pinakita ko kung sino talaga ako. Kung ano 'yung kultura ng Pinoy, ipinakilala ko sa kanila."

Ayon sa beauty queen, ang kanyang negative comments na natanggap ay ginawa niyang motivation para mas mapabuti ang kanyang pagpupursige na maiuwi ang korona.

"Mas na-improve siguro 'yung pagiging resilient ko kasi hanggang pagsali ko ng Reina, ang dami pa ring nagpu-push sa akin pababa. Maraming hindi naniniwala sa pageant. 'Yung mga negative sa akin na comments lalo na 'yung bashers, ginawa kong positive. Mas nakatulong 'yung pagba-bash nila sa akin kasi mas naging confident ako sa sarili ko na oo nga pala kaya kong gawin 'yan."

Panooring ang buong panayam kay Wyn Marquez:

 

Video from GMA News