
Bago tuluyang magpaalam si Rhea Santos sa kanyang mga Kapuso na nakasama sa loob ng 19 na taon, nakikanta muna si Rhea sa programa nina Arnold Clavio at Ali Sotto sa DZBB na 'Double A sa Double B.'
Pinatunayan ni Rhea na isa siyang Sharonian nang kantahin niya ang sikat na kanta ng megastar na si Sharon Cuneta na "Bituing Walang Ningning."
Bukod rito, nagbigay din ng mensahe ang mga kilalang personalidad ng GMA na sina Arnold Clavio, Pia Arcangel, at Mike Enriquez.
Pati na rin ang Senior Vice President for News and Public Affairs na si Marissa Flores ay nagbigay ng huling mensahe para sa kanyang inaanak sa kasal na si Rhea.
Abangan ang sorpresang handog ng Wish Ko Lang para sa Sharonian na si Rhea ngayon Sabado, August 3.