
Dalawang araw na lang at magtatapos na ang hit kiligserye na The One That Got Away sa GMA Telebabad. Sa pagwawakas ng show, nagbahagi ng apat na love lessons ang Team ZoEl sa Unang Hirit.
Una, i-enjoy ang lahat ng aspeto ng pag-ibig. Saad ni Rhian Ramos, “’Yung part na nagmamahalan, enjoy n'yo iyan ‘cause that’s one of the best things that life can give you. Pero kung masasaktan man kayo, dapat i-enjoyin n'yo din kasi feeling ko mas nakakatakot mamanhid. Enjoyin n'yo na lang ang ride.”
Pangalawa, tanggapin nang buong-buo ang inyong partner. Ayon kay Jason Abalos, “Kahit sino ka pa, kahit ano ka pa, kahit ano’ng nakaraan mo, mamahalin kita kasi tama naman eh. Kung ano ang nakaraan na iyon, sa inyong dalawa, dapat ‘yung present na talaga.”
Huwag kalimutan na maging matatag, payo ng aktres, “’Di naman lahat [ng pagkakataon], we make the right choices every step of the way. ‘Yung importante lang is alam mo who you become after.”
Last but not the least, huwag matakot magmahal muli. Pagtatapos ng aktor, “Bilang si Gael, nagmahal [at] nagkaanak [ako]. Huwag kayong matakot magmahal ulit dahil iyon ang pinakamasarap na pakiramdam, ‘yung may kasama ka sa bawat yugto ng buhay mo.”
Subaybayan ang huling dalawang gabi ng The One That Got Away pagkatapos ng Kambal, Karibal.