
Meow!
Gigil na gigil si Kapuso actress Rhian Ramos sa isang tasa ng kape na may latte art na pusa.
Hindi tuloy napigilan ni Rhian na inumin ito na parang isang pusa.
Matatandaang may alagang pusa si Rhian na nagngangalang Robbyn.
Aliw na aliw naman ang mga fans at followers ni Rhian sa kanyang mga kenkoy na posts, lalo na ngayong pabigat nang pabigat ang mga eksena ng aktres sa kanyang daily teleseryeng Sinungaling Mong Puso.
Sa kuwento, si Clara (Rhian) ang sisisihin ni Liza (Sherilyn Tan) sa tangkang pagpapakamatay ng kanyang anak na si Hannah.
Abangan ito sa Sinungaling Mong Puso, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Oh, My Mama! sa GMA Afternoon Prime.
MORE ON RHIAN RAMOS:
Rhian Ramos, sumuporta sa play ni Michael de Mesa
WATCH: Rhian Ramos at Gee Canlas take on the 'Pen Pineappale Apple Pen'