
Napuno ng saya ang araw ni Rhian Ramos nang makasama niya sa kanyang birthday celebration ang mga miyembro ng kanyang fan club na CybeRhians.
Sa espesyal na kiddie party with CybeRhians, kitang-kita na nag-enjoy si Rhian. Saad ng Kapuso star sa kanyang mga nakasama sa celebration, "Thank you for my not-so-children's party @cyberhians !! I had loads of fun, halata naman sa videos. Nice to meet you, FB Fan Com!"
Kasama rin ni Rhian ang kanyang boyfriend na si Jason Choachuy na naging center of attention sa ikalawang bahagi ng kanyang post.
Sa third part naman ng kanyang Instagram slideshow ay ipinakita ni Rhian ang sexy subo challenge na kanya laging ginagawa sa kanyang lifestyle show na Taste Buddies.