
Sino ang The One That Got Away nina Kapuso stars Rhian Ramos (Zoe), Max Collins (Darcy) at Lovi Poe (Alex)?
Gusto raw balikan ng girls ang kanilang naging ex-boyfriend. Ayon kay Rhian, “[We’re] pertaining kay Liam played by Dennis Trillo. Lahat kami [ay] mga ex niya pero lahat kami, siya lang ‘yung ex namin na gusto naming balikan.”
Tila maraming mga Pinay ang makaka-relate sa romantic comedy Primetime series offering ng GMA sa 2018.
Ani Lovi, “Madaming mga Pilipina ang makaka-relate sa character ko kasi maraming mga babae ang hindi kayang i-give up ang career para sa pag-ibig.”
Magiging light ang vibe ng serye ngunit matindi pa rin ang paghahanda ng cast. Ayon sa leading man ng The One That Got Away na si Dennis Trillo, “Very busy, very happy at excited kami na mapanood na ito ng mga Kapuso natin.”
Video courtesy of GMA News