
Sa pamamagitan ng isang community event, naisipan ni Kapuso actress Rhian Ramos na ipagdiwang ang kanyang 29th birthday.
Bukod sa pagbibigay ng iba't ibang giveaway tulad ng school supplies at regalo, may libreng pagupit din si Rhian.
Ayon sa aktres, isang tradisyon na para sa kanya ang tumulong sa kanyang kapwa-Pilipino lalo na sa mga nangangailangan.
“Naging tradisyon na ang pag-celebrate ng [aking] birthday na kailangan may kasamang charity.
“Nag-e-expand na kami kasi gumagawa na kami ng community projects.”
Panoorin ang buong chika ni Cata Tibayan:
#GrownUp: Rhian Ramos on being independent and living in NYC
LOOK: Rhian Ramos meets Salt Bae in New York