
Hindi pinapalampas ng The One That Got Away star na si Rhian Ramos ang kahit anong pagkakataon para makapag-workout. Habang nasa pila ng tren, ginamit ni Rhian ang kanyang bagahe para mag-exericse.
Aniya, “Sayang naman ‘yung time kung nakatulala lang ‘di ba?”
Kasalukuyang nasa Japan si Rhian matapos bumisita sa South Korea upang dumalo sa Color Play Party Cruise 2018 kung saan natanggap niya ang Asia Trend Star award.