
Magtatambal sina Richard Hwan at Sheena Halili sa January 13 episode ng Tadhana.
Si Richard Hwan ay gaganap bilang isang lalaking bumago sa kapalaran ng karakter ni Sheena Halili. Ang Kapuso actress naman ay ma-i-in love sa karakter ni Richard habang nagtatrabaho ito sa Taiwan.
Abangan ang #TadhanaKarayom episode ngayong Sabado, 3:15 p.m., pagkatapos ng Ika-6 Na Utos.
Panoorin ang teaser ng episode dito: