
Nagbigay ng exclusive tour sa Sarap, 'Di Ba? ang entrepreneur at beauty guru na si Ricky Reyes.
Sa kanyang pintuan pa lamang, proud na proud na ipinakita ni Ricky ang kanyang mga ginawang disenyo para sa kanyang bahay.
Kuwento ni Ricky, mahilig siya sa glass kaya naman ito ang kanyang ipinalagay sa iba't ibang bahagi ng kanyang bahay.
"I like my door to be glass kasi gusto ko kita ang bahay simula sa labas...Tingnan ninyo ang living room, made out of glass. Pati kisame."
Ngayong 2019 napili umano ni Ricky ang colors na red and gold para sa kanyang Christmas decorations. Very hands on si Ricky sa kanyang decorations kaya proud niyang ipinakita ang kanyang ginawa para sa holiday season. Ibinahagi rin ni Ricky ang 12 Christmas trees na matatagpuan sa loob ng kanyang bahay.
Mayroon ding mga matatagpuan na art pieces na investments ni Ricky sa kanyang bahay.
"Ito 'yung mga hilig ko na nakakaganda sa bahay kasi malalaman ng tao kung ano ang meron ka sa bahay. Tapos sasabihin nila, 'ay masinop itong taong ito."
Panoorin ang kabuuan ng kanyang tour sa festive home sa Sarap, 'Di Ba?
WATCH: Joel Cruz shares exclusive tour of his white house in Baguio