
Dahil sa tumitinding bakbakan ng mga nalalabing contestant sa Kapuso original musical competition na The Clash, hindi napigilan ng hosts ng show na sina Rita Daniela at Julie Anne San Jose na magbalik-tanaw sa kanilang mga naging karanasan nang maging contestants sa Pop Star Kids, isang kiddie singing competition noong 2015.
Sa nasabing kumpetisyon nagsimula ang musical career ng The Clash hosts na ngayon ay kahilera na ng mga mahuhusay na Kapuso singers. Naging magkatunggali sina Rita at Julie Anne sa Pop Star Kids kung saan ang una ang itinanghal na kampeon.
Dahil mga bata pa sila noon, hindi raw nila dinibdib ang kumpetisyon.
“Kami naman lahat, talagang nagsusuportahan talaga kami. Parang naglalaro lang kami since mga bata pa lang kami,” pagbabahagi ni Julie Anne.
Sinabi rin ni One of the Baes star na sa Pop Star Kids pa lang ay malapit na silang magkaibigan.
“Noong bata kami, hindi kami mapaghiwalay dati,” dagdag pa niya.
Malaki rin ang pasasalamat ng dalawa na pagkatapos ng Pop Star Kids ay nagkasama naman sila sa The Clash.
Watch full video here: