
Tinangap ni Rita Daniela ang hamon na maka-duet si Jose Mari Chan sa press conference ng "Going Home to Christmas" concert ng veteran singer noong November 23.
Rita Daniela maintains love for singing: "That's why I'm in this business"
Gaganapin ang nabanggit na Christmas concert sa The Theater at Solaire, sa December 22.
Mapapanood sa video na ito kung paano kiligin si Rita habang inaawit ang hit song na "Please Be Careful With My Heart" kasama si Jose Mari. Tila patikim nga ito sa darating na concert kung saan isa sa mga special guests ang Kapuso star.
Pinuri sa social media ang versatility ni Rita dahil hindi lang sa pag-arte ito may ibubuga, kundi sa pagkanta rin. Matatandaang siya ang first grand champion ng defunct singing competition na PopStar Kids.