What's Hot

WATCH: Rob Moya, hinabol ang magnanakaw na nambiktima sa kanya

By Jansen Ramos
Published January 29, 2018 11:00 AM PHT
Updated January 29, 2018 11:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos admin reaffirms support for LGUs during LMP 2026 assembly
Seoul's Super Matcha opens first PH branch; plus menu and prices
P95M shabu seized, alleged drug courier nabbed in Surigao City

Article Inside Page


Showbiz News



Tila isang eksena sa 'Alyas Robin Hood' ang paghabol ni Rob Moya sa snatcher na nambiktima sa kanya.

Tila isang eksena sa 'Alyas Robin Hood' ang paghabol ni Rob Moya sa snatcher na nambiktima sa kanya.

Base sa ulat ni Jamie Santos kagabi sa '24 Oras Weekend,' biktima ng isang modus si Rob kung saan inakala niyang nabangga ang kanyang sasakyan. Nangyari ito noong pauwi siya sa Pasig alas sais ng gabi noong Sabado, January 27.

Ikinuwento niya na may biglang kumalampag sa likod ng kanyang sasakyan habang binabaybay ang C-5. 

"So, siyempre ang initial reaction mo is lalabas. And siyempre, 'yung kotse sa likod mo is very close to your bumper, bumper to bumper traffic e. Siyempre, iisipin mo nabangga ka talaga. Then, 'yun pala may kasabwat siya na kasama niya na nasa kabilang side ng kotse. Binuksan 'yung pinto and kinuha 'yung cellphone ko .

Nang makita niya na tangay ang kanyang cellphone, hinabol niya ang mga suspek. 

"Hinabol ko talaga whatever it takes as long mali 'yung ginawa ng tao. Siyempre, ayoko din naman mangyari sa ibang tao yun."

Nahuli ang isa sa dalawang suspek sa tulong ng mga barangay tanod ng East Rembo, Makati. Laking pasasalamat din ni Rob sa motoristang nag-angkas sa kanya para mahabol ang suspek. 

Panoorin ang video na ito:

Video from GMA News

Photo by: rob_moya (IG)