
Naging emosyonal si Kapuso actor Rob Moya nang alalahanin ang mga pinagdaanan niya sa taong 2018.
Sa isang liham na isinulat niya para sa patapos na taon, inamin niyang lubos siyang nasaktan sa ilang mga nangyari sa kanya.
"It's been really tough for me kasi I've lost too many people this year. I also found out na I'm losing one of my best friends to cancer," kuwento ni Rob.
Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin siya dahil naging mas mabuti siyang tao matapos ang mga pinagdaanan.
"I was fighitng through depression. It's also a reminder for me na it's not the end of the world," aniya.
Hindi naman napigilan ni Rob na maluha, lalo na nang maala ang kaibigang may sakit.
"It's been tough. I don't wanna lose my best friend kasi," paliwanag niya.
Alamin ang iba pang naranasan ni Rob sa taong 2018 sa pagbisita niya sa Mars: