
Ayon sa kuwento ng actor-host, isa raw itong sorpresa mula sa mahal na pangulo.
Pagkatapos ng halos 23 na taon, muling naibalik ang karapatang sibil at politikal ng aktor na si Robin Padilla sa pamamagitan ng absolute pardon na ipinagkaloob sa kanya ni Pangulo Rodrigo Duterte. Masayang-masayang ibinalita ang lahat ng 'yan ni Binoy sa harap ng press.
Ayon sa kuwento ng actor-host, isa raw itong sorpresa mula sa mahal na pangulo dahil ang kanilang pagpupulong sa Malacañang Palace ay para talakayin ang proyekto nilang pagpapaayos ng ilang ospital.
Saad ni President Duterte sa report ng 24 Oras, “’Yung pardon ko [ay] full restoration of all his political and civil rights. He’s suffered enough [and] I think kung [bibitawan] mo lang ‘yung tao sa labas, give him the rights—makaboto, maka-travel [or] whatever.”
Matatandaang nakulong ang action star sa tuktok ng kanyang karera noong 1994 dahil sa illegal possession of fire arms. 17 hanggang 21 na taon ang kanyang sentensiya sa New Bilibid Prison at habang nasa kulungan ay naging Islam at nagpakasal siya sa kanyang unang asawa na si Liezl Sicangco.
Pagkatapos ng tatlong taon sa kulungan, binigyan si Robin ng conditional pardon ng dating pangulo na si Fidel Ramos noong 1997 at noong April 1998 ay tuluyan na siyang nakalaya pero hindi naibalik ang kanyang mga karapatan.
Noong Mayo, nag-post ang aktor ng balota sa social media at inakusahang nilabag ang batas ng Comelec, “’Yun ang pinakamasakit sa lahat, mapapagbintangan ka pang bumoto kahit hindi ka naman bumoto.”
READ: Action star Robin Padilla files online libel complaint against netizen Miss Krizzy
Lingid sa kaalaman ni Robin, nag-apply ang kanyang manager na si Betchay Vidanes ng pardon mula sa Board of Pardons and Parole noong Hulyo.
“Kung ano man ang naging kasalanan ko sa lipunan, binayaran ko ‘yan ng tatlo’t kalahating taon sa loob ng kulungan kaya wala pong pwedeng magsabi sa akin, ‘Oy, nakakuha ka ng pabor!’ ‘Di po ako nakakuha ng pabor at binarayan ko pa po uli ng 23 years sa labas na ‘yung isang paa ko nandun sa bilibid,” tugon ni Padilla.
Laking ginhawa ito kay Binoy para makapiling ang kanyang asawang si Mariel Rodriguez at ang panganay nilang si Baby Isabella, “Mag-apply ng visa, ‘yan ang una-una kong gustong [gawin]. Napuno na kami ngayon ng pag-asa na makasakaling ito ay makatulong na makapunta sa America.”
WATCH: Mariel Rodriguez gives birth to baby girl