
Bread and butter ng StarStruck graduate na si Rocco Nacino ang paggawa ng drama projects at ilang award-giving bodies na rin ang kumilala sa husay niya sa pag-arte.
Taong 2012 nang parangalan siya sa PMPC Star Awards for Movies sa kategoryang New Movie actor at kinilala rin siya sa 2012 Golden Screen Awards nang ibigay sa kanya ang tropeo para Breakthrough Performance by an Actor.
Source: Rocco Nacino Official (YT)
Kaya naman isang fun challenge ang ginawa ni Rocco kasama ang cast ng upcoming GMA Telebabad series na To Have And To Hold, kung saan hinamon niya ang ilan sa cast nito sa isang Cry Off Challenge!
Mapatumba kaya nina Luis Hontiveros, Athena Madrid, JC Tan, Roi Vinzon, at Valeen Montenegro, ang Kapuso hunk at maunahan nila ito sa pagluha?
Silipin ang funny vlog ni Rocco sa video below.
Heto naman ang ilan sa sa aabangan ninyong eksena sa 'To Have And To Hold' na malapit na ipalabas soon sa primetime.