What's on TV

WATCH: Rocco Nacino, nag-tour sa 'new normal' set ng 'Descendants of the Sun PH'

By Jansen Ramos
Published September 10, 2020 5:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Man attending fiesta in MisOr stabbed dead
NCAA: Arellano, Letran reignite rivalry in Group B as Season 101 men’s volleyball kicks off
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News

Rocco Nacino and Jennylyn Mercado wearing face mask


Sa morning chikahan nina Rocco Nacino at Jennylyn Mercado, sinabi ng huli na hindi raw maiwasang ma-miss nito ang kanyang co-star na si Jasmine Curtis-Smith matapos silang paghiwa-hiwalayin ng tent.

Ipinasilip ni Rocco Nacino sa Unang Hirit ang 'new normal' set ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) sa episode ng morning show ngayong araw, September 10.

Sa ekslusibong set tour ng Unang Hirit, ipinakita ni Rocco, gumaganap bilang Technical Seargeant Diego Ramos, ang kanilang lock-in taping sa Rizal.

"Kapag may eksena kami, do'n lang namin tinatanggal 'yung mask," pahayag ng 33-year-old actor nang ipinasilip niya ang isa sa kaabang-abang na eksena sa serye kung saan tampok sina "Big Boss" Dingdong Dnates at Ian Ignacio, na nagbibigay-buhay sa karakter ni Greg, isang rebelde.

Ian Ignacio and Dingdong Dantes

Maraming nagbago sa produksyon tulad ng paghiwa-hiwalay ng cast members ng tent kaya naman hindi maiwasan ni Dr. Maxine Jennylyn Mercado na ma-miss ang kanyang co-star na si Jasmine Curtis-Smith, gumaganap bilang Cpt. Moira Defensor.

Sambit ng Ultimate Star, "Sobrang daming nagbago. Pag lalabas tayo ng cabin o tent, kailangan naka-mask, kanya-kanya kasi kami ng tent, 'di pwedeng magkakasama tayo. Kami ni Jasmine, nami-miss namin ang isa't isa kasi 'di na kami nakakapag-chikahan."

Dalawa hanggang tatlo lamang ang maaaring manatili sa isang tent, kung saan sila namamalagi kapag break, para mabawasan ang contact activities. Ito raw ay isang bagay na naiintindihan nila para na rin sa kanilang kalusugan.

"Even with the 'new normal,' with the protocols, kayang-kaya naman talaga mag-taping. Ang maganda dito ay nagtutulungan kami para masigurado na walang ma-i-infect [ng COVID-19,]" ani Rocco.

Para sa buong detalye, panoorin ang buong video sa itaas.