
Hindi maipagkakaila ang pagka-dancer ni Kapuso actress at original SexBomb member Rochelle Pangilinan.
#GetGetAww: Pasabog na maternity shoot ni Rochelle Pangilinan
Kahit kasi buntis, nakisayaw pa siya sa #SwitchItUpChallenge kasama ang Onanay co-stars na sina Mikee Quintos at Eunice Lagusad.
"Hindi ko maiwasang hindi sumayaaaaaaw! Sa set ng Onanay, habang naghihintay, nagkatuwaang gawin ang #switchitupchallenge haha," sulat niya.
Nilinaw din ni Rochelle na bagamat sanay siyang sumayaw, iniingatan pa rin niya ang sarili lalo na at siya ay buntis.
"Pero siyempre bago ko gawin ,nagpaalam muna ako sa OB ko, pinayagan naman n'ya ko, na-miss ko 'tong gawin! Ang sumayaw," aniya.
Panoorin ang #SwitchItUpChallenge nina Rochelle, Mikee at Eunice: