
Nitong March 28, nag-uumapaw ang good vibes na hatid ng Sarap, 'Di Ba?
Pinapasok ng newlyweds na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina ang Sarap, 'Di Ba? sa kanilang brand new house. Kasabay nito ang mga kuwento kung paano nabuo ang bahay ng mag-asawa.
Sa Dear 'Teh Mina, ibinahagi naman ang kuwento ng mga konteserang may nakakatuwang laban. Sino kaya ang nagwagi?
Para sa masarap na kainan, isang masarap na Pinoy dish ang ginawa nina Carmina at Chef Jonah Trinidad. Panoorin kung paano gawin ang Bulalo sa Munggo.
Subaybayan ang iba pang fun morning episodes ng Sarap, 'Di Ba? tuwing Sabado ng umaga!