What's Hot

Rodjun Cruz at Dianne Medina, gustong magkaroon ng baby ngayong 2020

By Marah Ruiz
Published March 7, 2020 2:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Rodjun Cruz and Dianne Medina


This year, 2020, daw nais magkaroon ng sariling baby nina Rodjun Cruz at asawang si Dianne Medina.

Isa daw sa goals ng mag-asawang Rodjun Cruz at Dianne Medina ang magkaroon ng baby ngayong 2020.

Ibinahagi nila ito nang ipinasilip sa kanilang 500-square-meter corner lot home na 2017 pa pala nila sinimulang ipagawa.

Dito na nakatira sina Rodjun at Dianne simula nang sila ay ikasal. Small touches na lang daw ng mga pag-aayos at pagpapaganda ang idinaragdag nila dito.

Pero kahit anong ganda ng kanilang tahanan, isang hiling pa daw ang kukumpleto dito.

"Baby sana, pinagpe-pray namin," pahayag ni Rodjun.

"Yeah, we're trying," pagsang-ayon naman ni Dianne.

Isa daw kasi sa mga life goals Rodjun na maging isang ama.

"Nagta-try kami. Sana makahabol this 2020. Kahit ang daming mga nangyari sa akin, 'yun na siguro 'yung pinakamagandang achievement. 'Yun 'yung goal ko--maging mabuting tatay sa mga magiging anak namin ni Dianne," aniya.

Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras: