
Nakahanap na ng bagong bahay na titirahan ang pamilya ni Roxanne Barcelo sa Taiwan.
Ibinahagi ni Roxanne ang kanyang apartment tour sa Taiwan sa kanyang latest video sa YouTube.
PHOTO SOURCE: roxannebarcelo
"Excited na ako actually kasi masarap ang food at maganda ang kabuuan ng Taiwan."
"I'm excited for a new chapter, hindi pa nag-si-sink in," saad ni Roxanne.
Sa kanyang apartment tour, ibinahagi naman ni Roxanne ang proseso ng kanilang paglipat sa Taiwan. Ipinakita niya rin ang mga ipapa-renovate sa kanilang bagong bahay at mga plano sa bawat kwarto.
Kuwento ni Roxanne, "'Yun na ang part one ng moving in namin dito sa apartment namin sa Taiwan, and I'm so excited to finally nest and create a beautiful home for my family."
Panoorin ang apartment tour ni Roxanne.
TINGNAN ANG PHOTOS NI ROXANNE MULA KAPUSO STAR TO BEAUTIFUL HANDS-ON MOMMY KAY CINCO: