
Hindi raw bago kung tutuusin para kay Ruby Rodriguez ang hamon na magtrabaho sa ‘Juan for All, All for Juan’ segment ng Eat Bulaga. Gayunpaman, umuwi ang dabarkads na mas mayaman sa aral at kaalaman dahil sa kanyang karanasan bilang registration staff.
Pahayag ni Ruby, “Bago nag-‘Sugod Bahay’ ‘yan, takbuhan lang. Ang nag-umpisa niyan kami ni Wally (Bayola). So assigned na ako sa ‘Juan for All,’ so alam ko na ‘yung nangyayari doon.”
Bilang registration staff ng naturang segment, kinailangan ni Ruby na pumunta isang araw bago ang aktwal na pagsugod-bahay sa Barangay Malhakan sa Meycauayan, Bulacan para mamigay ng registration forms sa mga nakatira rito.
Matapos mag-courtesy call sa barangay, pinaliwanagan niya ang mga barangay tanod sa mga dapat gawin, nag-distribute siya ng registration forms, at matapos ay nangolekta nito kalakip ang mga plastic bottles. Pagbalik sa Quezon City, tinawagan naman niya ang mga nag-register para i-verify ang mga impormasyong isinulat doon at masiguradong tama ang mga detalye para sa ‘Juan for All, All for Juan’ segment kinabukasan.
Anang dabarkads, may bago at mas mahalaga siyang natutunan ngayong nagtrabaho siya bilang registration staff at hindi host sa ‘Juan for All, All for Juan.’
Bahagi niya, “Andyan ‘yung maa-appreciate mo kung ano ‘yung meron ka, how lucky you really are, how blessed you are, stories of their lives, how you can help. Pero most of all, patience and strength. ‘Yan ang pinaka-importante.”
“Worth it ‘yung happiness nila na maaaring sila ang matawagan. You are giving them the hope na kahit papaano makakatulong tayo sa kanila,” dugtong niya.
Panoorin ang kanyang experience dito:
Video from Eat Bulaga's YouTube channel