
Naibsan ang homesickness ng ating celebrity Runners na ilang Linggo nag-shooting sa South Korea nang nang bumisita sila sa Daehangno Philippine Market o tinaguriang 'Little Manila'.
Sa exclusive video na 'Runners in Korea' sa Facebook, excited sina Glaiza De Castro, Ruru Madrid, Buboy Villar, at Angel Guardian na magikot-ikot sa mga stalls at makihalubilo sa ating mga Kababayan.
Game na nakipagkuwentuhan ang apat sa mga Pinoy sa Daehangno Philippine Market na ang ilan ay matagal na nakatira doon o 'di kaya nakapangasawa na ng Koreano.
Kaagad na nag-viral ang exclusive video na ito ng Running Man Philippines na may higit sa one million views na sa Facebook.
Silipin ang mga nangyari sa tour ng Runners sa Little Manila ng Korea sa video below.
WALK AROUND IN SOUTH KOREA WITH OUR RUNNERS HERE: