What's on TV

WATCH: Ruru Madrid, bakasyon muna bago mag-taping ng 'TODA One I Love'

By Marah Ruiz
Published December 19, 2018 10:59 AM PHT
Updated December 19, 2018 11:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada speeds up slightly as it moves away from PH
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Isiningit ni Ruru Madrid ang bakasyon bago maging busy sa upcoming teleserye nila ni Kylie Padilla na 'TODA One I Love.'

Gaganap bilang isang tricycle driver si Kapuso actor Ruru Madrid sa kanyang upcoming teleserye na TODA One I Love.

Ruu Madrid
Ruru Madrid

Muli niyang makakatambal dito ang bagong kasal na si Kylie Padilla.

Masaya raw si Ruru sa role dahil magagamit niya ang isa sa kanyang hobbies bilang paghahanda para dito.

"Advantage sa akin na nagmo-motor din talaga ako. Tricycle driver kaming dalawa dito. Nakaka-excite na bagong role," pahayag niya.

Nagsingit naman si Ruru ng panahon para sa pagre-relax bago magsimula ang taping ng serye.

"We're going to La Union, mag-spend time with my family. Kumbaga ngayon kasi, kailangang i-enjoy mo na 'tong mga panahon na pwede ka pang mag-relax. Kasi pagka nag-start na 'yung taping, tuloy-tuloy na 'yan," aniya.

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras: