
Naki-fiesta sina Ruru Madrid, Martin del Rosario, Tammy Dionisia, Yana Asistio, Marci Munoz, at Ashley Ortega last Sunday sa All-Star Videoke. Bago nila makuha ang pinakaaasam na All-Star Videoke defending champion title, kailangan muna nilang malampasan ang mga all-star laglagers sina Tetay at Michelle O'Bombshell.
Panoorin ang todong pagmamakaawa na ginawa ng mga contestants upang hindi mahulog sa butas ng kapalaran below:
Nanatiling palaban si Ruru Madrid hanggang sa huli kaya't siya ang tinanghal na defending champion.
Sinong mga contestants naman kaya ang sasabak sa All-Star Videoke at haharap sa butas ng kapalaran? Abangan 'yan next week!