
Ipinakita ni Kapuso actor Ruru Madrid ang set ng pinagbibidahan niyang family-friendly eleksyon serye, ang TODA One I Love.
Hindi rin nagpahuli si Ruru at tinanong ang ka-love team niyang si Kylie Padilla kung kumusta ang kanilang pagbabalik tambalan.
“Masaya. Masaya po siya (Ruru) katrabaho, araw-araw ako tumatawa,” sagot ni Kylie.
Ayon naman kay Ruru, 'kinikilig' siya tuwing nakakatrabaho niya si Kylie.
Panuorin ang buong set tour na ginawa ni Ruru Madrid para sa Unang Hirit sa video na ito: