
Sa muling magtatambal sina Kylie Padilla at Ruru Madrid, inalala ng dalawang Kapuso actors kung kelan nga ba sila unang nagkita?
Kylie Padilla on working with Ruru Madrid: 'All moments are funny'
Sumabak sina Kylie at Ruru sa “Complete the Sentence” challenge ng Unang Hirit.
Dito, inamin ni Ruru na nagkaroon siya ng 'crush at first sight' kay Kylie.
“Noong una kitang nakilala, na-starstruck at para bang nakaramdam ako ng pagka-crush sayo,” kuwento ni Ruru.
Mabilis namang tanong ni Kylie, “Talaga?”
Patuloy ni Ruru, “Unang beses kitang ma-meet sa birthday ni Direk Maryo [J. Delos Reyes,] hindi pa ako artista non. 12 years old pa lang ako no'n.”
Pagbibidahan nina Kylie at Ruru ang timely political romcom series sa Pilipinas, ang TODA One I Love.
Abangan ang world premier ng TODA One I Love sa Lunes, February 4 sa GMA Telebabad!
GMA Network's timely political rom-com series TODA One I Love makes world premiere this February 4
Panuorin ang buong "Complete the Sentence" game nina Kylie at Ruru sa video na ito: