What's on TV

WATCH: Ryza Cenon signs off as Georgia, thanks haters for inspiring her

By Michelle Caligan
Published March 17, 2018 12:59 PM PHT
Updated March 17, 2018 2:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magnitude 5.3 earthquake hits offshore Sultan Kudarat
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Nag-sorry si Ryza Cenon sa mga nagalit sa kanya sa pagganap niya bilang Georgia ng top-rating show na 'Ika-6 Na Utos.' Panoorin ang buong video. 

Mahigit isang taong ginampanan ni Kapuso star Ryza Cenon ang role niya bilang Georgia sa highest rating daytime drama na Ika-6 Na Utos. Kaya sa pagtatapos nito, naging emotional ang aktres sa kanyang pamamaalam sa character na kinainisan ng marami.

WATCH: Georgia binasa at sinagot ang mean tweets ng fans

Dinaan ni Ryza sa isang Instagram video ang kanyang mensahe.

 

A post shared by Ryza Cenon (@iamryzacenon) on

"Isang malaking pasasalamat sa lahat. Lalong lalo sa mga taong hindi bumitaw sa amin. Sa mga nagalit at nagmahal kay Georgia, kayo naging inspirasyon ko sa lahat, maraming maraming salamat. Sa mga nasa likod ng #ika6nautos maraming salamat sa tiyaga, sa mga puyat at haba ng pasensya hahahaha, salamat. Mamiss ko kayo lalo na ang #teamgeorgia. Isang taon tayo mahigit nagsama sama, hindi ko kayo makakalimutan kahit basher ka pa mahal pa rin kita (wag lang dun sa sobra! Hahahahha). Mahal ko kayong lahat salamat po. Georgia signing off," aniya sa caption.

Tutukan ang huling episode ng Ika-6 Na Utos ngayong Sabado, March 17, pagkatapos ng Eat Bulaga.