What's Hot

WATCH: Ryza Cenon, tinanggihan ang Best Actress award na bigay ni Odette Khan para sa 'Ika-6 na Utos'

By Al Kendrick Noguera
Published August 12, 2017 4:08 PM PHT
Updated August 12, 2017 4:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dog who allegedly bit a chicken shot with airgun
A drone view looking towards Ashton-in-Makerfield
Grammys 2027 key dates you need to know

Article Inside Page


Showbiz News



Bakit kaya?  

Patuloy na namamayagpag tuwing hapon ang Ika-6 Na Utos dahil bukod sa magandang istorya nito, mahuhusay rin ang cast ng tinaguriang highest daytime drama.

Sa guesting ni Odette Khan sa Tonight With Arnold Clavio, ibinahagi ng gumaganap kay Manang Loleng ang kanyang pagkabilib sa galing sa pag-arte ng kontrabida sa soap na si Ryza Cenon.

Kamakailan lamang ay binigyan ni Odette ng isang handmade Best Actress award si Ryza na hindi alam ng karamihan ay tinanggihan pala ng Kapuso actress. 

 

Nakakataba ng puso dahil nakakuha ako ng parangal galing kay Ms. Odette "Manang Loleng" Khan. Nay maraming salamat po sa paniniwala sa kakayahan ko kahit noong nag sisimula palang tayo sinabihan mo na ko na kaya ko at hanggang ngayon sinasabihan mo pa rin ako na tama ang ginagawa kong pag ganap kay Georgia. Maraming salamat sa oras na ginugol nyo para sa parangal na to. Mahal kita at isang ka sa inspirasyon ko. Maraming maraming salamat Nay Odette.??????

A post shared by Ryza Cenon (@iamryzacenon) on

 

"Yan ginawa ko kasi sa kanya [ay] handmade. Ang tagal gawin niyan. Kapag pagod ka, hindi mo maka-cut out. Mahirap. Umayaw siya. Wag na, Tita. Tapos tinanong ko, 'bakit ayaw mo?  Akin 'yang ibibigay sa 'yo. Feeling ko 'yan. You deserve [it],'" bahagi ni Odette kay Arnold Clavio.

Kuwento pa ni Odette, talagang hanga raw siya kay Ryza dahil bukod sa magaling na artista ay mabuti rin ang kalooban ng aktres. Aniya, "Mapagmahal siya, mabait. Magaling talagang 'yung arte niya. Sa totoo lang, gusto ko na siyang tamaan eh. Eh hindi puwede [kasi] malambing na bata."

Panoorin ang kabuuan ng Tonight With Arnold Clavio feature: