Celebrity Life

WATCH: Ryzza Mae Dizon's prank call to Hannah Pangilinan and the Baes

By Bianca Geli
Published August 26, 2018 4:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bernardo to testify for prosecution in flood control rap vs. Zaldy Co
LTO Dagupan offers free driving course for women
SexBomb Girls look iconic and edgy on local magazine cover

Article Inside Page


Showbiz News



May napaniwala kaya si Ryzza Mae Dizon sa kanyang prank call? Panoorin mo ito!

Sa kaniyang YouTube channel, nag-upload si Ryzza Mae Dizon ng video ng kaniyang prank call. Aniya, “Excited na ako at kinakabahan ako at the same time kasi ang dami nagri-request sa video na ito.”

Una niyang tinawagan ang kaniyang assistant na si Sophia o Kendoll at nanghingi siya dito ng tulong na hanapin ang nawawala niyang tito.

Tinawagan at biniro rin ni Ryzza Mae ang anak nina Anthony Pangilinan at Maricel Laxa na si Hannah pati na rin ang That's My Bae boys na sina Kenneth at Tommy at ang dancer na si Niana Guerrero.

May naniwala kaya sa kanila? Ano kaya ang kanilang mga reaksyon sa nakakagulat na prank ni Ryzza Mae? Panoorin 'yan dito.