
Curious ba kayong malaman kung saan inspired o nagmula ang pangalan ng unique names ng celebrity babies tulad na lamang ng well-loved baby na si Thylane Katana, ang firstborn nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico?
Hindi man tuwiran pang sinabi ng celebrity couple kung saan galing ang pangalan ng baby girl nila, tila inspired ito sa French model na si Thylane Blondeau na tinaguriang most beautiful girl in the world.
Samantala, dahil certified Star Wars fan si TV at theater director Paolo Valenciano, isinunod ang pangalan ng baby girl niyang si Nataleia Martine sa character ng series na si Princess Leia.
Ang pangalan naman ng sweetest darling nina Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto na si Thalita Maria ay hango sa Bible, na ang ibig sabihin ay “little girl.”
Pangalan naman ng isang sikat na singer ang naging inspirasyon nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica sa pangalan ng bunso nilang anak na si Axl Romeo. Isinilang ng aktres ang second baby boy nila noong December 9.
Ayon kay Kylie, ang first name ni Axl ay inspired sa pangalan ng frontman ng rock band na Guns 'n Roses na si Axl Rose.
Panoorin ang buong Unang Balita report:
WATCH: Nico Bolzico hilariously schools followers over Thylane Katana's proper pronunciation
Solenn Heussaff shares a peek of Thylane Katana's room