What's Hot

WATCH: Saan magpa-Pasko si Marian Rivera?

By Marah Ruiz
Published December 15, 2017 11:22 AM PHT
Updated December 15, 2017 11:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Ayon kay Marian Rivera, muling magsasama-sama ang mga Dantes at Rivera sa isang bakasyon.

Nakasanayan na ng Kapuso Primetime Couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang pabisita sa kanilang mga pamilya tuwing Pasko. 

Ngayong taon, ganito rin daw ang kanilang mga plano. Nadagdagan lang daw ito ng bakasyon with the whole family. 

"Actually [December] 24, doon kami sa bahay nina Dong, [December] 25 sa Cavite. Then pagdating ng [December] 26 magbabakasyon kami. The whole family, literal—family nina Dong, family ko, so magsasama sama ulit kami," pahayag niya. 

Looking forward si Marian sa bakasyon, lalo na at makakapagpahinga silang mag-asawa at makakasama nila ang kanilang anak na si Zia. 

"Sabi ko nga kay Dong, iba 'yung ngiti ni Zia kapag kaming tatlo 'yung magkasama. Alam niya 'yun," nakangiting sambit ng aktres. 

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras: