
Ngayong Holy Week, ilang Kapuso stars ang sumulit ng kanilang break para makapagpahinga kasama ang kanilang loved ones sa iba't-ibang destinations.
Sina Maine Mendoza at Alden Richards ay may work and leisure travel sa U.S.. Hindi rin nagpahuli si Paolo na naisingit ang kanyang daddy duties sa anak na si Keira.
Japan naman ang napiling destination ng ilang Kapuso stars na sina Glaiza de Castro, Mikee Quintos, Eugene Domingo na kasama pa ang kanyang Italian boyfriend.
Si Heart Evangelista at ang asawa niyang si Senator Chiz Escudero ay kasalukuyang nage-explore around Europe. Bukod sa kanila, si Allan K. ay tumungo rin sa Paris, France.
Ang pamilya Arellano naman ay masaya sa kanilang first travel out of the country with Baby Primo. Ang kanilang chosen destination ay Australia.
Maldives naman ang napiling destination ng travel buddies na sina Megan Young at Mikael Daez habang si Gabbi Garcia ay nag-travel like a local sa Antique.
Panoorin ang kabuuang ulat ni Nelson Canlas:
MORE ON CELEBRITY VACATIONS:
IN PHOTOS: Heart Evangelista explores Tuscany in sneakers
#partyoffive: The Agoncillo's U.S. vacation!
Photos by: @meganbata(IG) and @glaizaredux(IG)