What's Hot

WATCH: Sabrina M, Krista Miller at Liaa Alelin Bolla, may panawagan sa mga kapwa gumagamit ng iligal na droga

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 23, 2020 4:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 1) JANUARY 19, 2026 [HD]
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Magkakasama sa kulungan sina Sabrina M, Krista Miller, Liaa Alelin Bolla at iba pang artistang sangkot sa ilegal na droga na nahuli ng Quezon City Police District (QCPD).


Magkakasama sa kulungan sina Sabrina M, Krista Miller, Liaa Alelin Bolla at iba pang artistang sangkot sa ilegal na droga na nahuli ng Quezon City Police District (QCPD). Sa ulat ng 24 Oras, nagpaabot sila ng mensahe sa iba pang mga artista at mga kapwa gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Panawagan ni Sabrina M, “Sa mga kasamahan ko sa showbiz, lalo na ‘yung mga gumagamit pa, sa akin lang sana tumigil na sila. Habang wala pa sila rito (sa kulungan), ayusin na nila ‘yung buhay nila kaysa ‘yung mahuli pa sila, makulong sila.”

Malaki rin daw ang kanyang pagsisisi dahil sa pagsubok niya sa droga. 

Aniya, “Hindi ko nga naisip na mangyayari sa akin ‘to kaya akala ko dati sa pelikula lang. ‘Yun pala, ngayon eto na, reyalidad na. Kung pwede ko lang ibalik ‘yung nakaraan, sana hindi ko na sinubukan ‘yan para hindi mangyari sa akin ‘to dahil ‘yun mga anak ko nami-miss ko ngayon. ‘Yung mga bata hindi ko kasama, ‘di ba ang hirap nung ganun.”

Itinanggi din ni Sabrina M na isa siyang drug pusher.

“Hindi naman ako nagtutulak eh. Hindi ako nagtutulak, kaya ang pinakamasakit ‘yung ganun. Lalo ngayon medyo mainit sa mga [taga-]showbiz,” paliwanag ng dating sexy starlet.

Ito rin ang iginiit ni Krista Miller na nahaharap din sa kaso sa paglabag ng RA 92165, partikular na ang pagbebenta ng iligal na droga. Ayon kasi sa mga pulis ay mismong si Sabrina M at Krista ang nag-abot sa kanila ng droga sa magkahiwalay na ginawang buy-bust operation.

Ayon kay Krista, inosente siya sa mga akusasyon laban sa kanya.

Sambit niya, “’Wag munang magdya-judge kasi 'di pa naman tapos ‘yung kwento. Lalabas at lalabas din naman kung ano ‘yung totoo.”

“Tuloy lang kasi isa rin kayo sa mga nagpapalakas ng loob namin, na talagang ‘yung paniniwala niyo, nadadagdagan ‘yung paniniwala namin na kaya namin ‘to,” mensahe naman niya sa kanyang supporters.

Samantala, ang nahuling modelo na si Liaa ay kinasuhan naman ng possession of illegal drugs. Sa parehong ulat sa 24 Oras, inamin nito na maliban sa pagsa-shabu ay dati siyang nagbebenta ng ecstasy.

Panawagan niya sa mga kapwa sangkot sa droga, “Ngayon palang na hindi pa sila nahuhuli, itigil na nila.”

Nauna na rin inihayag ng QCPD na malakas ang kanilang ebidensya laban sa  celebrities na nahuli nila.

Ani P/Sr. Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, “Records will show pati sa ating operation na talagang nagkaroon ng buy-bust operations. These were results of intelligence and case buildup operation natin.”

Si PNP Chief P/Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa, may iba namang gustong mangyari sa mga artistang nasasangkot sa droga.

Wika niya, “’Wag nang i-tokhang ‘yan, i-buy bust na lang ‘yang mga artista na ‘yan. Eh kung matigas ‘yung ulo nila.”

Video from GMA News

MORE ON CELEBRITIES INVOLVED IN DRUGS:

IN PHOTOS: Mga celebs na nasangkot sa iligal na droga

WATCH: Mark Anthony Fernandez, mabubulok na raw sa kulungan?