
Kinilala ang epic-seryeng Sahaya na pinagbidahan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa 2019 Sinebata Video Festival.
Nanalo ang Sahaya sa Professional Fiction 13-17 years old category.
Nanalo rin ang dokumentaryo na Reel Time na pinamagatang 'Fearless' sa Professional Non-Fiction 13-17 years old category.
Sa pagkapanalo ng Sahaya at Reel Time, gagawin din silang pambato ng Pilipinas sa ika-3 Southeast Asia Video Festival for Children.