What's Hot

WATCH: Sam Pinto, ibinahagi ang bagay na makakapagpabalik sa kanya sa showbiz

By Marah Ruiz
Published May 25, 2018 11:07 AM PHT
Updated May 25, 2018 11:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News



Pansamantalang nilisan ni Sam Pinto ang showbiz. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon at ano ang makakapagpabalik sa kanya sa industriya?

Pansamantalang nilisan ng aktres na si Sam Pinto ang larangan ng showbiz. 

Simula kasi noong nakaraang taon, nag-focus muna siya sa kanyang negosyo. Si Sam ay may-ari ng isang resort sa surfing town ng Baler, Quezon. 

Pero pag-amin ni Sam, may bagay rin talagang makakapagpabalik sa kanya sa showbiz.

"I guess the proper project and the proper role—'yung role na masaya. Dream role ko mga Tomb Raider [type of] roles. Kasi Sagittarius ako, so I like mga ganyan, mga action action," bahagi niya.

Sa ngayon, ang plano niya ay nakatuon para sa kanyang resort.

"I want to expand the resort more. Kasi we only have 15 rooms, 'di ba? The next step is to make villas na siguro at the back na they have their own pool," aniya. 

Panoorin ang feature sa kanya ng programang Tunay Na Buhay: